Review Ng Pelikula Sonata
Rebyu ng Pelikulang Pilipino
ni John kenneth M Castaño
Sonata
Ang pamagat ng pelikulang aking napanood ay Sonata na dinerekta nila Peque Gallaga at Lore Reyes at pinagbidahan ng isang sikat na aktres sa pilipinas na si Cherie Gil na gumanap bilang (Regina Caderna) at ang batang si Chino Jalandoni na gumanap naman bilang (Jonjon). Ang pelikulang Sonata ay isan kuwento ng isang babae na ang buong buhay ay ang ang sining, subalit lahat ng ito ay nawala sa kanya at nakaranas ng sobrang pagkalungkot ngunit may isang batang darating na magbibigay saya at ligaya sa babae.
Si Regina Caderna (Cherie Gil) at Jonjon (Chino Jalandoni) ang pangunahing tauhan sa kwento. Si Regina ay isang sikat na artista sa opera sa paris siya ay nakaranas ng malaking pag pagbagsak sa kanyang career dahil sa pagkawala ng kanyang abilidad na kumanta. Dahil sa mga nangyari si regina ay nakaranas ng depresyon kaya siya ay nasa mansion lagi at gusto laging nag iisa, nalulong sa pag iinom ng alak at paninigarilyo. Minsan ay nakakalimutan niya kung sino ang kaniyang mga kasama sa mansion at mga naaalala niya lang ay ang masaklap na pangyayari na nangyari sa kaniyang buhay. Nagbago ang mga bagay nang si Cora, isang babaeng kinuha ng pamilya ni Regina sa ilalim ng kanilang katiwala noong bata pa siya, ay bumalik sa kanilang probinsya kasama ang kanyang anak na si Jonjon. Si Jonjon ay isang batang taga manila pero hindi marunong magsalita ng tagalog, ilongo at ingles ang wikang kaniyang ginagamit. Si jonjon at ang kaniyang nanay ay umalis ng manila dahil sa ama ni jonjon na iniwan sila at ngayun ay pilit na tumatawag at gusto makausap ang anak dahil dito ay umuwi ng probinsya ang mag ina. Si Jonjon ay isang mabait at palakaibigan at mapagmahal sa magulang.
Sa Bacolod city sa isang malayong probinsya sa may malaking bahay o mansion na pagmamay ari ni regina naganap ang kanilang tagpuan at karamihan sa eksena ay dito lahat ginanap. Dito din ipinanganak si regina kaya marunong siya ng salitang ilonggo. Dito din una nagkita sina Regina at Jonjon.
Tunggaliang tao laban sa sarili dito ay makikita sa kwento na pilit na nilalabanan ni regina ang kanyang lungkot na nararamdaman kung paano niya paring nagagawang mabuhay kahit sa daming problemang nangyari sa kaniya. Tunggaliang tao sa tao dahil dito makikita rin ang maling relasyon nila Regina at Carlo, si Carlo ay may asawa pero dumadalaw ito kay Regina at may lihim na relasyon. Pagkatapos ng kanilang pagkikita ay nagkaroon sila ng pag aaway o sagutan tungkol sa kung ano bang meron talaga sa kanila sa kabila nito ay nagpaalam na si Carlo at sinabing mas mahal niya ang kaniyang asawa at ayaw niya itong iwan kaya baka eto na ang kanilang huling pagkikita.
Makikita dito ang sagisag at simbolo sa pagmamahal sa sining, pinakita din dito kung gaano kaganda ang isang opera at kung paano ito ginagawa. Makikita dito ang ibat ibang simbolo ng sining at talaga namang kayganda at kaaya aya tignan.
Unang pagkikita nila Regina at Jonjon ay sa mansion kung saan hindi maganda ang kinalabasan ng kanilang unang pagkikita. Lumipas ang ilang araw unti unting gumagaan ang loob ni regina kay jonjon at dahil din kay jonjon unti unti naring tumigil sa paninigarilyo at pag inom ng alak si regina. Pinangalanan ni regina si Jonjon na Don Giovanni isang famous opera by mozart. Sa pagdating ni Jonjon sa buhay ni Regina ay talaga namang nakapagbalik ng sigla at kasiyahan kay Regina.
Ang kahalagahan ng pelikulang ito sa aking sarili ay ang pagkatuto ko ng ilang aral gaya ng wag mag pakain sa kalungkutan bagkus ay gawin mo kung ano ang magpapasaya sayo, isa pang aral ay bumagsak kaman ng ilang beses wag kang susuko at patuloy paring bumangon. Kahalagahan naman nito sa lipunan ay ang kung paanong ang mga taong wala masyadong alam pagdating sa opera at sining ay tiyak na pagnapanood ito ay mapapamahal ka sa sining. Nabigyan ng awards si Cheri gil sa pagganap niya bilang Regina Caderna na talaga namang ipinagmamalaki ng pilipinas dahil isang kapwa pilipino natin ito.
"She's not crazy she is just sad"
Jonjon
May mga taong nababaliw sa sobrang lungkot at problema pero meron din namang nilamon lang sila ng kalungkutan, wag husgahan agad ang taong may masaklap na pinagdadaanan matuto munang alamin ang nakaraan bago mo ito husgahan.
"Listen to me Don Diovanni when you lose play again"
Regina
Sa buhay kailangan nating matalo, hindi para sumuko kundi para matuto.
"Sa kamatayan lang natin matututunan mahalin ang buhay "
Regina
May mga tao na di inaalagaan ang kalusugan kahit ano kinakain kahit ano iniinom, bisyo alak, sigarilyo at iba pa at sa oras na sila malapit ng mamatay dahil sa pagbabago ng kanilang buhay doon lang nila maiisip kung gaano kahalaga ang buhay kaya dapat natin itong mahalin at pahalagahan.
"She's not crazy she's just sad"
Jonjon
Ito yung linyang pinaka tumatak sa isip ko dahil nangyayari ito sa totong buhay may mga taong kung humusga sa kapwa tao nila ay wagas. Hindi ba pwedeng malungkot lang yung tao kaya ganun ang mga kilos niya? kaya bago tayo manghusga tumingin muna tayo sa sarili natin kung perpekto ba tayo na walang kahusga husga.
Nagustuhan ko ang Pelikulang ito maganda ang pagkawa ng pelikula at magagaling ang mga gumaganap maganda, nagustuhan ko ito dahil halo halo ang emosyon na pinakita at talaga namang paiiyakin ka sa dulo.
Ang maibibigay kong iskor ay 9/10 talaga namang maiiyak ka sa sobrang ganda ng pelikula, maganda din ang mga lugar na pinag ganapan at mga aral na makukuha dito at talaga namang pasok sa puso ng mga tao.
Ang masasabi ko sa pelikulang ito ay kakaiba yung ganda na ipinakita mas marami ang wikang ilonggo pero kahit ganon ay naiintindihan pa rin dahil sa galing sa pagganap, lalo na sa dulo ng pelikula ay talagang mapapaiyak ka nito at syempre may mga aral ka ding mapupulot dito. Sa sobrang ganda ay wala nakong masabi.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento