Review Ng Pelikula Sonata
Rebyu ng Pelikulang Pilipino ni John kenneth M CastaƱo Sonata Ang pamagat ng pelikulang aking napanood ay Sonata na dinerekta nila Peque Gallaga at Lore Reyes at pinagbidahan ng isang sikat na aktres sa pilipinas na si Cherie Gil na gumanap bilang (Regina Caderna) at ang batang si Chino Jalandoni na gumanap naman bilang (Jonjon). Ang pelikulang Sonata ay isan kuwento ng isang babae na ang buong buhay ay ang ang sining, subalit lahat ng ito ay nawala sa kanya at nakaranas ng sobrang pagkalungkot ngunit may isang batang darating na magbibigay saya at ligaya sa babae. Si Regina Caderna (Cherie Gil) at Jonjon (Chino Jalandoni) ang pangunahing tauhan sa kwento. Si Regina ay isang sikat na artista sa opera sa paris siya ay nakaranas ng malaking pag pagbagsak sa kanyang career dahil sa pagkawala ng kanyang abilidad na kumanta. Dahil sa mga nangyari si regina ay nakaranas ng depresyon kaya siya ay nasa mansion lagi at gusto laging nag iisa,...